"ALL ABOUT ME"! :)

Aking larawan
"This is me... this real.. i'm exactly what im suppose to be now.

Linggo, Hulyo 24, 2011

"Ako Bilang si Cherry mae Grospe"


                                       "CHERRY MAE FLORENTINO GROSPE"
       
        Ako si Cherry Mae Grospe, 17 taong gulang. Kasalukuyang nagaaral sa Central Luzon State University sa Kursong BSIT.
        Simpleng kabataan na may simpleng buhay at pangarap. May simpleng pagkatao, ngunit may kakaibang ugali; "moody", "may pagka baliw at isip bata", "hindi matanto", "hindi malaman kung sensitive o hindi" at kung umasta "parang walang pangarap"! haha... ! sa madaling salita TOPAKIN, pero mabait; hindi lang halata kung minsan
        Madaming hindi mapaliwanag sa 'personality' ko, na ako mismo hindi ko matanto. Ganito man ako, hindi ko pinagsisihan, dahil kilala ko kung anong tunay na ako at kung anong tunay na saloobin ko at wala akong pakialam sa kung anong husga ng ibang tao basta wag lang akong inaabuso.
       Ano mang personalidad meron ako ay ako bilang si Cherry Mae Grospe. Wala ng ibang pwedeng umagaw ng role ko sa mundo. :)
       
.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento